Dating Manager ni Rudƴ Baldwin, inilabas lahat ng mga umano’ƴ “panloloko at pamemera” sa mga vision nito

Naging matunog ang ibat-ibang kontrobersyal na mga prediksyon ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin, kung saan marami sa mga netizens ang sa kanya’y naniniwala at humahanga dahil halos sa mga pangit na posibleng mangyari tulad ng mga paparating na mga sakuna, aksidente, pagpanaw ng mga kilalang personalidad ay nakikita niya.

Ngunit marami din sa kanyang mga followers ang hindi na naniniwala sa mga inilalabas niyang pagbibigay babala at prediksyon, dahil tila gawa-gawa na lang daw niya ang lahat, at hindi naman nagkakatotoo o nagkataon lamang na nangyari.

Tulad nalang ng paglantad at pagbasag ng kanyang pananahimik ng dating Manager ni Baldwin na si Elzen Pascual Estores, kung saan isiniwalat niya sa isang video na ang lahat ng mga ginagawa umano ni Baldwin ay puro panloloko, at pamemera lamang.

“Huwag kayong maniwala. Kasi hindi talaga siya marunong mag-vision. Lahat ng naniwala sa kanya minalas, hindi lang ako, marami kami.

“Andami mo ng naloko. Marami kang pera, marami ka nang nabubudol. Totoo yan,”

Nagbanta pa umano si Baldwin na idedemanda siya nito pag-inilabas niya ang mga kuha sa CCTV footage sa kwarto kung saan doon niya tumatanggap at ginagawa ang kanyang pagvivision.

“Ako idedemanda mo? Idemanda mo sarili mo. Ako pa ba matatakot sayo, eh andami kong alam na mga sikreto mo.”

“Wala na siya sa akin kasi nanloko siya ng tao. Dati utos niya samin, na gumawa kami ng mga dummy accounts at ipagtanggol namin siya sa wall niya tapos i-sshare niya. Ganon ang nangyayari,”

Hindi pa umano ito nakuntento sa pamamayagpag niya sa panghuhula, at minamanipula pa niya ang mga tao niya na siraan ang iba bang mga psychic.

“May inutos din samin yan, ang gusto niya dati siraan namin si Jay Costura, pero di ko ginawa.”

“Tapos si Mamu, gusto niya magpadala kami ng tao dun, para malaman niya kung papano siya mag vision. Tama ba yun? Pati si Mamu na nananihik, ganun ka kawalang hiya.”

Si Jay Costura at Mamu ay isa rin sa mga kasamahan ni Rudy Baldwin sa larangan ng pagbibigay ng kanilang mga premonisyon.

Pinayuhan rin niya si Baldwin noon bilang Manager niya na hanggat maari itigil muna ang pagbibibigay ng mga samo’t saring mga pangit na navivision niya dahil nakakadagdag lamang ito ng takot sa mga tao lalo na sa panahon ngayon.

“Sabi ko, Madam wag ka muna mag vision ngayon dahil pandemic, nakakaawa yung mga taong nagpapanic sa vision mo na di ko alam kung saan mo nakukuha, puro negative,”

Naibahagi din niya sa naturang live video na nasikmura niyang uminom ng tubig na umano ay may laway ni Rudy Baldwin. Ito umano ay para sa pantanggal ng kanyang stress

“Pinainom niya ako ng tubig na may laway niya. Kaya kayo mag-ingat kayo sa mga nagpapa-vision diyan,”

Ibinunyag din ni Estores na may bayad ang bawat nagpapavision kay Baldwin. Kung noon ay nasa P700-750 lang ito, ngayon ay nasa P1500 na ang bawat singil nito.

Isa rin umano sa rason ni Estores sa kanyang pag-alis bilang manager ni Baldwin dahil hindi umano nito tinatanggap ang sarili niyang anak.

“Kaya ako umalis sa kanya, kasi ini-insist ko kanya na “Madam ‘yong anak mo tanggapin mo na kasi nakakaawa si Mera,”

“Dinedeny niya na anak niya si Mera. Totoong anak niya yan. May anak talaga siya, marami siyang kamot sa tiyan,”

“Alam mo kung gano ka kawalang kwentang tao. Paano mo paniniwaalaan ang isang tao na nagvivision kung sarili niyang anak di niya kayang tanggapin. Gusto lang ni Mera na tanggapin siya bilang anak mo,”

Si Rudy Baldwin ay sumikat sa social media dahil sa kanyang mga ibinabahaging mga premonisyon at vision sa kanyang Facebook page.

Kamakailan nga ay naging mainit na usapin ang tungkol sa kanyang mga vision matapos siyang punahin dahil pawang mga negatibo umano ang kanyang ibinabahaging hula