Babaeng sumubok sa Sandok Pera Challenge, singsing ang nakuha!

Viral na viral ang iba’t-ibang challenges sa social media at isa na dito ang palarong, Sandok Pera Challenge na naging parte ng maraming Christmas party nang nakaraang taon.

 

Para sa challenge na ito, ay nakablindfold ang manlalaro at may hawak na sandok at lalagyan. Ang goal ay ang makapag-sandok ng maraming money bills na nakakalat sa sahig o lamesa. Subalit dahil magaan ang perang papel ay naging mas challenging ito. Para kay Rachelle Ann Rosales, kakaibang sorpresa ang bumulaga sa kanya nang matapos nito ang naturing na parlor game.

Bisperas ng Pasko nang magkaroon ng Christmas party ang pamilya ni Rachelle at dito ay nilagyan ng blindfold ang mata ng dalaga. Karir na karir na sinandok ni Rachelle ang mga perang nakakalat sa lamesa at walang kamalay-malay sa pinaplano ng noybo nitong si Roldan Rivera.

Pagtanggal ni Rachelle ng piring niya sa mata ay nakita nito ang nakaluhod na nobyo at may hawak na red rose at sa gitna ay may engagement ring. Suot-suot din ni Roldan ang white t-shirt na may nakasulat na, “Will You Marry Me?” Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang dalaga at nilgyan ng check ang box na may nakasulat na, ‘Yes’.

Ibinahagi nmn ng kapatid ni Rachelle na si Kristine Rosales-Abbaspour ang nakaka-kilig ng video ng proposal ni Roldan. Ito rin ang kasabwat ni Roldan sa pagpaplano ng naganap na wedding proposal. Naglagay naman ng caption si Kristine sa kanyang facebook post ng, “May nanalo na! #sandokperachallenge Hindi lang pera kundi singsing ang nakuha niya. Congratulations Chel and Dan! So happy for the both of you. #TheProposal #Christmas2021”

Ikinuwento din ni Kristine na marami na itong natulungang mga surprise proposal kaya siya ang napiling lapitan ni Roldan nang magtanong ito ng bilihan ng singsing. Aniya, “dami ko nang naorganize na surprise kaya alam na ni Dan kanino lalapit hahaha. Kakatuwa lang na napakamemorable nito.” Limang taong naging magkasintahan sina Rachelle at Roldan bago ang engagement proposal nito. Congratulations Chel at Dan!