Lalaki todo suporta sa kanƴang misis, hindi nahiƴang bumili at namili ng mga make-up para sa kanƴang asawa

Likas sa maraming mga babae ang pagkakahilig sa pag-gamit ng mga palamuti sa mukha lalo na kapag may pupuntahan o bilang bahagi ng pag-aayos para magmukhang kaaya-aya sa trabaho.

Maraming mga babae ang pihikan pagdating sa mga beauty products. May iba na gumagamit talaga ng mamahaling brands ng make-up dahil mas sensitibo ang kanilang balat lalo na sa mukha. Kaya naman maingat na pinipili ang mga uri ng make-up magmula sa foundation, lipstick, at eyeshadows na magbabagay sa kulay ng balat at hindi maiirita ang mukha.

Samantala, isang lalaki ang nag-viral pagkatapos na kumalat ang nakakagiliw na mga larawan nito habang namimili kung alin ang magandang make-up ang bagay sa kanyang asawa.

Sa naupload na mga litrato ni Mary Angela, makikitang ang lalaki ay nakaupo habang kinukuhanan ng picture ang iba’t-ibang blush-on at foundation. Noong napag-alaman nitong may sale sa mga make-up items sa isang mall sa Gaisano Grand Citygate Mall sa Buhangin, Davao, ay agad nitong napag-isipan na bilhan ang kanyang pinakamamahal na misis.

“Ang cute ni kuya. He was confused about what shade was for his wife so he just took a picture,” caption ni Mary Angela sa kanyang Facebook post.

Nahihiya umano ang lalaki na magtanong-tanong dahil mga babae halos ang nasa loob ng store sa mall. Kaya naman maaring kinuhanan nya ng larawan ang mga make-up para makapagtanong sa kanyang asawa.

Nakita naman sya ng isang sales lady at tinulungan sya kung alin ang pipiliin at bilhin sa mga naka sale na mga make-up items. Marami naman ang nagkomento sa mga larawan na ito sa Facebook. May mga nagbibiro na baka ang lalaki mismo ang gagamit ng mga iyon. Marami din naman ang nagsasabi na napaka-thoughtful at sweet umano ng lalaki dahil sya mismo ang namimili ng mga pagpaganda ng kanyang asawa.

Kahanga-hanga talaga ang pagsuportang ito ng lalaki sa kanyang asawa na kahit make-up ay bibilhin nya para mapasaya lamang ito.