Isang Lalaking Palaboƴ Sa Kalƴe Ng 5 Taon, Di Inaasahang Nakasalubong Ang Babaeng Matagal Nang Naghahanap Sa Kaniƴa

Madalas tayong nakakakita ng mga pulubi sa kalsada nang hindi natin alam kung sino sila at ano ang totoong kwento ng kanilang buhay. Ngunit, sino nga ba ang mag-aakala na ang tao pala na iyong nakikita sa kalsada ay ang taong hinahanap mo sa matagal na panahon?

Katulad na lamang ng babae na ito na naglalakad lamang sa kalsada papunta sa kaniyang trabaho nang makita niya ay isang pulubi na tila pamilyar sa kaniya. Ang pangyayari ay naganap sa Pateros Latagan Night

Ayon sa kwento ng netizen na si Ric Oliver, may isang taong grasa na tumabi malapit sa kanilang kinauupuan ng mga panahon na iyon. Tahimik lamang ang palaboy na lalaki na nakaupo habang nakatulala na tila may malalim na iniisip.

Hinayaan lamang nila Oliver ang lalaki at hindi na nila pinansin pa ito dahil wala naman itong ginagawang hindi maganda. Ngunit, makalipas ang ilang sandali ay mayroong isang babae na dumaan sa kanilang pwesto.

Sinulyapan ng babae ang taong grasa na katabi nila ng ilang beses. At laking gulat na lamang nila sa mga susunod na pangyayari. Niyakap kasi bigla ng babae ang lalaking palaboy at sinabi na, “Kuya naalala mo pa ba ako?”

Bumuhos ang luha at emosyon ng babae dahil sa tuwa at saya habang yakap ang kaniyang kapatid.

Ilang sandali ang lumipas ay may tinawagan naman ang babae sa kaniyang cellphone na tila kausap ang kanilang ina at sinabing,

“Nakit nakita ko na po si Kuya. Hindi na po ako papasok, iuuwi ko na siya dyan.”

Samantala, hindi na din napigil ng lalaking palaboy ang maiyak. Ayon sa salaysay ng babae, halos limang taon na nilang hinahanap ang kaniyang kapatid na nawala pa noon sa Batangas.

Hindi naman na naitanong pa nila Oliver ang detalye kung bakit nawala ang lalaki at kung ano ang nangyari.