Smart mirror ng aktres na si Heart Evangelista sa loob ng kaniyang bahay, nagkakahalaga ng Php85,000!

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas nakilala natin bilang si Heart Evangelista ay 36 na taong gulang na aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, socialite, at kasalukuyang first lady ng probinsiya ng Sorsogon. Taong 2015 nang ikasal sila ng pulitiko na si Chiz Escudero na ngayon ay nagsisilbing gobernador ng Sorsogon.

Marami na ring nagawang pelikula at teleserye si Heart. Dalaga pa lamang siya ay nasa harap na siya ng kamera. Marami na ang nakakita ng angkin niyang talento.

Sa kaniyang edad ngayon ay napapanatili pa rin niya ang angkin niyang kagandahan at balingkinitan niyang pangangatawan. Masayang masaya rin siya sa ngayon dahil sa maganda ang takbo ng kaniyang karera at maligayang-maligaya rin naman siya sa piling ng kaniyang mister na si Chiz.

Kamakailan lamang ay napabalita ang isang mamahalin at bonggang smartphone sa loob mismo ng bahay ni Heart. Ngunit hindi pala ito pangkaraniwang smartphone lamang dahil maaari ka na ring kumuha ng selfie diretso sa salamin na ito.
Ito ang Lulu Smart Mirror. Ito ay isang higanteng android phone na pwedeng-pwede ring gawing “OOTD” mirror.

“Can you guys believe that I actually have a smart mirror at home? Meet Serena, @lulusmartmirror‘s latest smart technology #OOTD mirror and features a 5MP camera. You can even download apps on it. It makes my life so much easier when I’m working at home or trying out new outfits for shoots and endorsements,” Pahayag ni Heart sa kaniyang Instagram post.

Maliban sa aktres ay mayroon ding smart mirror si Cat Arambulo na isa ring social media influencer. Mayroon itong tatlong modelo, ang Eve, Luna, at Serena.

Serena model ang pagmamay-ari ni Heart na mayroong sukat na 32” na may presyong Php85,000 habang ang Eve model naman ay 32” rin na nagkakahalaga naman ng P70,000. Ang pinakamalaking model nila ay ang Luna na mayroong sukat na 43” at Php80,000 naman ang halaga na dating Php95,000.