Huli sa camera kung paano tratuhin ng mag-asᴀwang PADILLA ang kanilang mga kᴀsambahay at yaya..

Nitong mga nagdaang taon, buwan, at araw, madalas tayong nakakarinig ng mga reports o ulat tungkol sa mga household helpers na nakakaranas ng pangmamaltrato sa kanilang mga employer. May ilan sa kanila ang tinatrato pa ng mga ito bilang mga alipin, ang ilan naman ay kailanman ay hindi nakaranas ng day-off. Habang ang ilan ay hindi pinahihintulutan ng kanilang mga employer na kumain ng pagkain na katulad ng kanila.
Ngunit, kabaligtaran naman nito nag trato ng celebrity couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang mga kasambahay.

Madalas na nakakatanggap ng papuri mula sa publiko ang mag-asawa sa kung paano nila itrato ang kanilang mga kasambahay.

Sa video na ibinahagi ng YouTube user na ‘Kwentong Barbero’, makikita ang Padilla family na tila nagkaroon ng isang selebrasyon para sa birth month ng kanilang bunsong anak kung saan makikita na parte din ng nasabing selebrasyon ang kanilang mga kasambahay.

Sila ay naghanda ng parlor game para sa mga kasambahay at maririnig din na sinasabi ni Robin na siya ay mamimigay ng P2,000 na premyo para sa mga mananalo. Sa nasabing laro, ang mga kasambahay ay kailangan na makuha ang isang piraso ng mansanas sa isang palanggana na puno ng tubig.

Nang ang kanilang pitong kasambahay ay sumali sa laro, napagpasyahan ni Robin na dagdagan ang premyo at gawin ng P3,000.

Maging ang iba pang miyembro ng pamilya ay makikita na masayang nakikisama sa mga kasambahay na tila ba parte na talaga ng pamilya ang mga ito. Makikita na sila ay nag-uusap, nagtatawanan, at nagkukulitan pa.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga at papuri para sa mag-asawa sa kung paano nila itrato ang kanilang mga kasambahay.

Talaga nga namang kahanga hanga ang kabutihan nina Mariel at Robin para sa kanilang mga kasambahay. Alam nila ang hirap at sakripisyo na ginagawa ng mga ito para sa kanilang pamilya kaya naman ginagantihan ito ng mag-asawa ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila.