Joshua Garcia on why Ivana Alawi is “jojowain”: “Mabait, maganda, sexy.”

joshua garcia ivana alawi Joshua Garcia on communication with Ivana Alawi: “Naka-chat ko na siya before, pero chat lang, wala namang malisya."  PHOTO/S: FACEBOOK (ABS-CBN), @IVANAALAWI ON INSTAGRAM    

Pinili ni Joshua Garcia si Ivana Alawi bilang isa sa mga Kapamilya actress na nais niyang magkaroon ng komunikasyon.

Hindi rin nagdalawang-isip si Joshua na sumagot na “jojowain” si Ivana nang pinapili siya kung jojowain o totropahin ang actress-vlogger.

Tinanong si Joshua sa isang Kumu Live session ng ABS-CBN nitong nakaraang January 19, 2022.

Tanong ng hosts ng programa, sino sa mga ABS-CBN actresses ang nais maging textmate ni Joshua?

Pinili ni Joshua si Ivana, at ibinunyag niyang may komunikasyon na sila.

“Naka-chat ko na siya before, pero chat lang, wala namang malisya,” paglilinaw ng Kapamilya actor.

“Pero wala namang kahit ano. Ano lang, text lang. Textmate, e.

“Pero hindi kami nagka-text nang matagal. Mas tawag. Mas tawag ako kesa text, e.”

Inamin din ni Joshua na nagkausap sila ni Ivana noong nakaraang Disyembre.

“Before, I think last month pa iyon, parang ganun… Ngayon di pa kami nagka-text uli. Pero okay lang," pahayag ni Joshua sa Kumu Live.

Usisa kay Joshua, “jojowain o totropahin” ba niya si Ivana?

“Siyempre, jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba?

“I mean, mabait, maganda, sexy.”

Natatawang dagdag ni Joshua, “Lahat sinabi na.”

“Magiging choosy ka pa ba doon?”

Pero dagdag niya, ayaw niyang pangunahan ang mga puwedeng mangyari.

Paglinaw niya, “Hindi kasi lahat ng tao masasabi mong meant para maging magkarelasyon, e.

“May parang nakatadhana sa iyo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo, kasi hindi mo masasabi…”

Akma ito sa naging interview kay Ivana noong October, 2021. Sa YouTube channel ni Ogie Diaz, nabanggit ni Ivana na nakapalitan niya ng private messages si Joshua.

Noong mga panahong iyon, hindi pa raw sila nagkakapalitan ng phone number ni Joshua.

Pero mukhang nag-elevate na nga ang pagkakaibigan ng dalawa dahil mayroon na silang phone number ng isa't isa.

Sa Kumu Live, isa sa mga dare kay Joshua ay tawagan si Ivana.

Ipinakita pa ni Joshua sa camera na tinatawagan niya si Ivana, patunay na nagkapalitan na sila ng mobile numbers.

joshua garcia
PHOTO/S: KUMU    

Sumagot naman si Ivana sa tawag at ipinaliwanag ni Joshua na tumawag siya dahil sa isang challenge.

Tinanong naman si Ivana kung “jojowain o totropahin” ba si Joshua.

“Secret,” maiksing sagot ni Ivana.

Sa October 2021 interview ni Ogie kay Ivana, inamin ni Ivana na crush niya si Joshua.

Inilarawan ni Ivana si Joshua bilang “cute, mabait, at family-oriented.”

Nabanggit din noon ni Ivana na nais muna niyang makilala nang mabuti si Joshua.