Ivana Alawi at Joshua Garcia nakatanggap ng pangbabatik0s mula sa fans ni Julia Barretto

Binabash umano ngayon ng mga fans ni Julia Barretto ang pagiging malapit nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.

Magmula ng hayagang inamin ni Ivana sa publiko na crush niya si Joshua, ipinagkukumpara na sila ngayon ni Julia. Lalo na ng mga avid fans ng aktres na ex-girlfriend ni Joshua.

Ito ay ayon kay Cristy Fermin na inilahad niya sa kanyang programa kasama si Romel Chika.

“Alam mo, noon pa kasi sa mga interview ni Ivana, kahit kay Ogie Diaz vlog, sinabi niya talaga na crush niya si Joshua,” saad ni Cristy.

“Mukhang magkakalapit (sina Joshua at Ivana). Kasi ‘yung totropahin, jojowain ‘di ba? Nag-iba na e. Kaya naman nagagalit. Naku, bina-bash si Joshua at saka si Ivana sa social media. Ang kanilang sigaw, ano Romel?” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Romel sabi daw ng mga fans ni Julia, “Naku, hindi raw sila magka-level ni Julia at saka si Ivana.”

“Talagang malayo,” sagot dito ni  Cristy. Aniya, sa hubog pa lang daw ng katawan ay lamang na agad si Ivana.

“Sa katawan na katawan na lang, ang hubog ng katawan ni Ivana Alawi ay ang pinapangarap ng mga kalalakihan. E si Julia, mukhang ‘number 1’, isang diretso. Oh magpakatotoo na tayo. Pipintas-pintas kayo kay Ivana, sana tingnan n’yo muna. Hindi raw bagay, napakalayo raw ni Julia kay Ivana. Talagang napakalayo, kilometriko ang agwat.”

“At saka kahit pa malayo, kung type naman ni Joshua, anong magagawa natin?”

Sa ngayon ay friends pa lang ang status nina Ivana at Joshua, pero malay natin in the near future. May mamuo ngang pagtitinginan sa dalawa.