KC Concepcion, Viral Dahil Sa Kaniyang Filipino Daring Accent TikTok Video

Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si KC Concepcion matapos kumalat online ang kaniyang video na talagang agaw-pan...

Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si KC Concepcion matapos kumalat online ang kaniyang video na talagang agaw-pansin sa publiko matapos niyang gawin ang isang challenge sa TikTok na nauuso ngayon na S3xy Accent kung saan binabanggit niyang pa-sosyal ang hawak niyang bagay. 

Umani ang video ng iba't ibang reaksyon mula sa kaniyang mga fans at netizens dahil lumabas talaga ang pagiging isang kwela ng aktres.

Sa nasabing video, makikita na masayang masayang nakisali ang 36-year-old actress sa challenge sa TikTok at ginaya din ang viral entry mula sa actress-comedian na si Ashley Rivera o mas kilala bilang si Petra Mahalimuyak.

 

Panggagaya ni KC,

"Oh my God your Filipino accent is so s3xy. Say it again."

Habang ginagaya ay hinahawakan naman ni KC ang mga bagay na nabanggit sa TikTok challenge kagaya ng lotion, deodorant, at toothpaste.

Saad ni KC sa caption ng kaniyang Instagram post,

"Nothing can compare. ???"

 

Samantala, marami naman sa mga netizens at maging sa kaniyang kapwa celebrities ang natuwa sa nasabing video ni KC. Sa ngayon ay umabot na nga sa mahigit na 800,000 views ang video ni KC sa Instagram. Talaga nga namang good vibes ang hatid ng video na ito ni KC sa marami.

Narito ang komento ng mga netizens:

"KC is still  a good singer KC more songs You have a soft and  sweet voice ❤️ I hope you'll have a concert"

"Kc is mother like daughter, kung paano sya kumilos hahaha ang cute"

"Hahaha katuwa Ng vibes ni KC Sana madami pang ganito😁 to find ko bagay sa kanya"

"Mana kay miss sharon cuneta. Versatile actress! Tapos may golden voice pa! idol ko mama nya at papa nya! God bless kc! 🙏💞👼💖😇🥰"

"I love Kc! She's beautiful inside and out! She's also funny! I like her tiktok"