Twitter account ni Jam Magno tuluyan nang sinuspinde

Tuluyan nang sinuspinde ang Twitter account ng sikat at kontrobersiyal na social media personality na si Jam Magno.

Ibinahagi pa ni Magno ang screenshot ng kaniyang suspendidong Twitter account sa isang Facebook post na kinalaunan ay tinanggal niya rin.

Nakasaad sa screenshot na nilabag umano ni Magno ang rules sa Twitter, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” nasasaad dito.

Hindi naman daw malaman ng popular na vlogger kung ano ang tunay na dahilan sa pagkakasuspinde ng kaniyang Twitter account.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” wika nito.

Subalit sa kaniyang pinakahuling Facebook post, tila may bago na siyang Twitter account gamit ang ibang pangalan.

Si Magno ay kilalang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon at ni Pangulong Duterte.

BASAHIN: Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, usap-usapan

Mahigpit din siyang kritiko ng mga ‘dilawan’ at oposisyon, at ni Vice President Leni Robredo.

Noong nakaraang taon ay sinuspinde rin ng Tiktok ang account ni Magno sa popular na video sharing platform.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang vlogger at sinabing mapapanood pa rin siya ng kaniyang mga followers sa Tiktok Live version.

“Let me remind you that being banned on Tiktok is NOT new to me and I came back from it before. I am still going to [go] Live regardless and being declared PNG {persona non grata) even more so,” matapang na hamon nito.

Nitong Martes, ibinahagi rin ni Magno na magbabalik na siya sa Tiktok.

Aniya,” I loved not being on Tiktok. I realized Social Media does not dictate my Life because I use my platform to share what I like and I am passionate about and also it connects me to the best people. Also, it will never stop me from being who I am in real life just because you think it’s right to ban me. But if you think I am giving up despite all that you do to my profiles. NEVER.”