Wᴀiter na minᴀmaliit noon nakᴀpagpatayo ng sᴀriling malaki at eleganteng bᴀhay.

Sa buhay, kailangan ng sipag, tiyaga at diskarte upang makamit natin ang ating mga pangarap. Huwag mong iisipin o papansinin ang sinasabi ng ibang tao kahit na ano mang uri ng trabaho ang meron ka.

Sa isang Facebook post, naantig ang puso at humanga ang mga netizens sa kwento ng isang lalaki na nakapagpatayo ng sarili niyang ‘dream house’ matapos magtrabaho bilang waiter sa loob ng walong taon.

Ibinahagi ni Jhay Suarez Tuyor ang kanyang mga naranasan bilang isang waiter mula taong 2004 hanggang 2012.

Kwento ni Jhay, marami siyang pinagdaanang hirap upang matupad ang kanyang pangarap. Nalampasan niya ang lahat ng hadlang at pagsubok kaya naman nagbunga ang kanyang pagtitiyaga.

Makalipas ang walong taon ay nakapagpatayo na si Jhay ng sarili niyang bahay. Hindi lamang ito simple dahil malaki ito at elegante ang itsura.

“nga ho pala , sa pagiging waiter ko po ng mahigit walang taon ((2014-2012))napa tayo ko po ung pangarap kong bahay . ung may malaking garahe at napaka laking kitchen unti unti ho yan . bawat sentimo ho ng sweldo ko dyan nappnta cmula ho sa tiles sa living area hanggng s gate ho ng garahe,” sabi ni Jhay.

Aniya, naranasan daw niya ang kutyain at maliitin dahil sa kanyang pagiging waiter.

“waiter ka lang pala, oh mag praktis kana mag bugaw ng langaw dito sa hapag kainan,” kwento niya.

Hindi nagpa-apekto si Jhay sa mga opinyon ng ibang tao sa halip ay ginawa niya itong motivation upang kumayod nang kumayod para sa sarili.

Nagbigay rin ng payo si Jhay sa mga netizens na huwag susuko sa kabila ng mga hamon sa buhay.

“Wag kang mapapagod kaibigan, nsa kabilang buhay ang pahinga ,habang bata tayo kayod lang ng kayod tpos wg ka magpapatukso sa kung anung meron ung tropa mo, mas msrap nakabili kana muna ng lalagyan , ngayon may bahay kana BAHALA KANA SA TRIP MO, GUSTO MO PUNUIN MO NG SAPATOS YAN, maniwla ka,” sabi niya.