Yeng Constantino proud na ipinasilip sa publiko ang ipinapatayong bahay sa kanilang farm sa Quezon

Excited na ipinakita ni Yeng Constantino sa kanyang mga fans ang magiging farm house nila sa Quezon Province.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, kasama ni Yeng ang kanyang mister na si Yan Asuncion. Kung saan ay ipinasilip nila ang ongoing construction ng kanilang ipinapatayong bahay sa farm nila sa Quezon.

“Ito na guys ang porma ng aming house,” masaya at proud na sambit ng Kapamilya singer.

Kwento ni Yeng, nagiging madalas umano ang pagbisita nila roon dahil doon tumutuloy ngayon ang kanyang ama at kapatid.

Aniya, “Palagi akong bumibisita dito sa aming farm para bisitahin ang aking ama at ang kapatid kong si Cookie ay nandito na”

At dahil dito ay napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na magpatayo na ng bahay doon. Para na rin may sarili silang matutuluyan tuwing naroon sila.

“Since lagi na kami nandito sa farm ni Yan, nagpapatayo na kami ng bahay dito,” saad ni Yeng.

Ipinakilala din ni Yeng si Mang Fred, na aniya’y punong abala sa mga ipinatayo nilang properties. Tulad ng kanilang mga pinapaupahang apartment, bahay ng kanyang ama, pati na ang resort nila sa Zambales.

Samantala, medyo nalungkot naman si Yeng dahil kinailangan nilang putulin ang mga puno. Para maitayo ng maayos ang kanilang bahay at sa kaligtasan din nila pag nakatira na sila doon.

“Ang dami naming pinutol na puno dito kasi delikado pala talaga ang buko kapag ika’y nalaglagan. Trivia, mas marami pa daw napap4tay ang buko kaysa pating taon-taon. So kapag nalaglagan ka ng buko, biyak talaga ang bungo mo,” aniya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video: