TIGNAN: Jennylyn Mercado 26 weeks preggy na sa kanyang soon to be mini me

Jennylyn Mercado, proud na nagbahagi ng kanyanglumalaking baby bump sa social media.

Excited na ang lahat na makita ang mini me version ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. Simula nang ianunsyo ni Jennylyn at kanyang soon-to-be husband na si Dennis Trillo ang kanilang pagbubuntis, marami na agad ang nag abang.

Ibinahagi ng dalawa ang kanilang pregnancy journey noong nakaraang taon. Matatandaan na naging usap usapan na ang pagbubuntis ng aktres sa kanilang panganay ni Dennis bago pa man nila ito aminin sa publiko.

Noong taong 2021, ibinahagi nina Dennis at Jennylyn na binalak na nila sumailalim sa surrogacy at nagtungo pa sila ng ibang bansa para dito. Pero nabiyayaan sila ng panganay na anak sa natural na paraan.

Kaya naman ganoon na lang din ang pag-iingat at pag-aalaga ng aktor sa kanyang mag-ina. Kasabay din nito ang wedding proposal ni Dennis kay Jennylyn. Kaya naman double celebration talaga para sa kanila.

Ngayon, 26 weeks preggy na ang Kapuso actress at proud niyang ibinahagi sa social media ang kanyang lumalaking baby bump.

Sa Instagram, nag upload ng mirror shot si Jennylyn kung saan kitang kita ang malaki na niyang tiyan. Baby girl ang panganay na anak nina Dennis at Jen. Marami naman ang natuwa sa larawang ito ng aktres.