Anak ni Baron Geisler na si baby Talitha, nagdiwang ng kaniyang ikalawang taong kaarawan!

Si Baron Frederick von Geisler o mas nakilala natin bilang si Baron Geisler ay 39 na taong gulang na aktor, businessman, model, resource speaker, amateur artist, at aspiring poet na mayroong German-American descent. Talaga namang isa rin siya sa pinakamahusay na aktor na mayroon tayo ngayon.

Ngunit hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging pasaway niya noong kaniyang kabataan. Marami din itong ginawang kalokohan noon kahit siya ay isa nang kilalang artista.

May ilang beses din siyang sinampahan ng kaso, nakulong, at naipadala sa isang rehabilitation center kung saan niya nakilala ang kaniyang misis ngayon na si Jamie Marie Evangelista Geisler. Siya ay isang psychologist. Isa siya sa mga tumulong sa aktor na maging isang mabuting tao.

At hindi rin nagtagal at nagkamabutihan sila at nagkaroon ng pagkakataong muli na umibig. Taong 2019 nang sila ay ikinasal, isang simpleng kasal lamang ito ngunit talagang punong-puno ng pagmamahalan.

Enero 2020 nang mabiyayaan sila ng isang na babae na pinangalan nilang Talitha Cumi. Napakarami daw talagang nabago kay Baron dahil sa kaniyang asawa at sa kaniyang anak.

Kung noon ay puro away at basag ulo ang kaniyang nais, ngayon ay mas gusto na niya ang tahimik na buhay kasama ang kaniyang pamilya. Mas naging malapit din siya sa Diyos at kumuha rin siya ng kursong AB Theology noong Setyembre 2019.

Nito lamang Enero 2022 ay nagdiwang ng ikalawang taong kaarawan ang kaniyang unica hija. At hindi ito pinalagpas ng mag-asawa, nagkaroon sila ng munting selebrasyon sa kanilang tahanan.

Pagkatapos daw nilang malagpasan ang matinding pagsalanta ng bagyong Odette at ang Omicron ay mas naging masaya ang buong pamilya na ipagdiwang ang espesyal na araw na ito. Labis din ang pasasalamat ng aktor sa Diyos dahil sa biniyayaan siya ng anak tulad ni Talitha na talaga namang napakasweet at napaka-cute.