Isang Factory Worker, Minamaliit Ng Mga Katrabaho Dahil Sa Pag-uulam Nito Ng Itlog At Tuyo

Sa mundo na ating ginagalawan, napakarami nga naman talagang mga tao na mapanghusga. Imbis na alamin at intindihin muna ang kwento sa likod ...

Sa mundo na ating ginagalawan, napakarami nga naman talagang mga tao na mapanghusga. Imbis na alamin at intindihin muna ang kwento sa likod ng sitwasyon ng isang tao, marami pa din ang pinipili na manghusga ng kapwa base lamang sa kanilang nakikita na kinikilos o ginagawa nito. 

Kagaya na lamang ni Raul na nakaranas din ng matinding pagmamaliit at panghuhusga mula sa ibang tao dahil lamang sa itlog at tuyo ang kaniyang ulam araw-araw sa trabaho.

Si Raul ay walong taon ng nagtatrabaho bilang isang factory worker. Madalas ay nakakatanggap siya ng panghuhusga o ginagawa siyang katawa-tawa ng kaniyang mga katrabaho sa kadahilanan na tuyo at itlog lamang ang kaniyang ulam. Kahit pa man sa araw ng sweldo ay ganoon pa din ang ulam ni Raul at hindi ito nagbabago.

Gayunpaman, hindi na lamang pinapansin ni Raul ang mga puna ng kaniyang katrabaho. Sa halip ay nginingitian na lamang niya ang mga ito kahit pa man masakit ang mga panghuhusga na natatanggap niya mula sa mga ito. Kung tutuusin ay kaya din naman ni Raul na makabili ng mga mamahaling pagkain sa kanilang canteen ngunit mas pinipili pa din niyang ulamin ang itlot at tuyo dahil alam niyang may mga bagay pa siyang dapat na mas iprayoridad kaysa ang pagkakaroon ng mas mahal na pagkain.

Talagang nagtitipid si Raul kaya naman sa tuwing mag-aaya ng inuman ang kaniyang mga katrabaho ay tumatanggi lamang siya sa mga ito. Dahil dito, wala ding naging kaibigan si Raul sa planta sa loob ng walong taon. Madalas pa nga ay naririnig niya ang kaniyang mga katrabaho na pinagtatawanan at pinaparinggan siya. Ngunit, hindi na lamang niya ito pinapansin.

Isang araw habang sila ay naghahapunan sa canteen ay muli na namang nakatanggap ng pangunguty4 si Raul dahil na naman sa kaniyang baon. Ngunit, kasama na nilang maghapunan ang kanilang team leader na si Reah noong mga oras na iyon. Ito ay matanda na at masungit. Nang mapansin ng team leader ang kaniyang ulam, sinita naman nito si Raul at tinanong kung bakit lagi na lamang tuyo at itlog ang kaniyang ulam. Nahihiya man ay sinagot na lamang ito ni Raul at sinabi na siya ay mayroon pang kailangan bayaran sa kanilang bahay.

Napatingin naman ang kanilang mga katrabaho sa kanilang pwesto dahil sa pagsita ng kanilang team leader. Makalipas ang ilang sandali ay muli na naman siyang kinwestiyon ng kanilang team leader at sinabi na laging itlog at tuyo ang kaniyang ulam gayong siya ay sumusweldo naman. Sinabihan pa siya nito na maghugas ng kamay dahil baka mahawa umano ang kanilang produkto sa baho ng kaniyang kamay dahil sa kaniyang ulam.

Sa pagkapahiya ay umalis na lamang sa canteen si Raul ngunit siya ay patuloy pa din na kinukutya ng kaniyang mga katrabaho at ni Reah.

Lumipas ang ilang araw at napansin naman ni Reah na tila hindi na pumapasok si Raul sa trabaho magmula ng ito ay kinutya nila. Isang gabi, nagkaroon ng meeting ang lahat ng leader ng planta. Doon ay inanunsyo na sila ay magkakaroon ng bagong supervisor na matatalaga sa department ni Reah.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok naman na sa opisina ang isang lalaki. Ang suot nito ay simple lamang ngunit mahahalata sa tela na ito ay mamahalin. Laking gulat na lamang ni Reah nang makita na ang kanilang magiging supervisor ay si Raul, ang lalaki na kanilang kinuty4 dahil sa ulam nito.

Doon ay naisip ni Reah ang lahat ng mga sinabi at pangmamaliit niya kay Raul noon. Kaagad siyang humingi ng paumanhin dito para sa inasal niya noong sila ay huling magkita. Ngunit, ngiti lamang ang tinugon ni Raul sa kaniya at sinabi na sana ito ay maging araw para sa kaniya na huwag basta mangmaliit at manghusga ng kapwa.

Napag-alaman din nila na isang working student pala si Raul kaya ang ulam nito palagi ay tuyo at itlog. Sa umaga ay nag-aaral siya at nagtatrabaho naman sa gabi. Kailangan niyang magtipid at mag-ipon ng pera para matustusan ang pangangailangan niya sa kaniyang pag-aaral.

Maging ang mga kumutya kay Raul ay nagulat din nang ito ay ipakilala bilang bagong supervisor sa planta. Nakaramdam naman sila ng hiya dito dahil sa pinakita nilang ugali noon dito.