Ginulat ng napakayamang babaeng ito ang lahat ng kanyang angkan matapos niyang ipamana lahat ng kayamanan niya sa kanyang yaya imbes na sa kanyang mga anak!

Bata pa lamang si Esmeralda noong nanilbihan siya kay Senyora Provida, isang napaka yamang haciendera.

Hangganga sa ikinasal, nabuntis at nagka anak na lamang ang donya ay nandoon pa rin at tapat na naglilingkod si Esmeralda, na naging tagapangalaga na rin ng mga anak niya.

Kung kaya naman pamilya na rin ang turing sa kaniya ng buong angkan, lalo na ang senyora na halos kapatid na ang pagtangi sa ginang.

Hindi na ito nakapag asawa dahil nagkasya na lamang siya sa sa atensyon na ibinibigay sa kaniya ng mga anak ng donya, kung kaya naman labis na nasaktan din ito noong naghiwalay ang kaniyang senyora at ang kaniyang asawa.

Naging magulo ang dating masayang pamilya ni Provida, at ang unti-unti ay nakuha ng kaniyang asawa at bagong kirida nito ang loob ng kaniyang mga anak, hanggang sa hindi na siya tinatrato bilang isang ina!

Ngunit naging matiyaga sa pag aalaga si Esmeralda kay Provida, at tiniyak na may kasama ito sa kasagsagan ng mapait at madilim na parte ng buhay niya.

Hanggang sa hindi nagtagal ay naka ahon din ang donya, at natanggap nito na hindi na siya pinili ng kaniyang pamilya.

Kung kaya naman itinuon na lamang niya ang kaniyang pansin sa pag aalaga ng ga hayop at pagpapayaman pa lalo.

At dahil sa tumatanda, unti-unti na ring nawawalan ng lakas si Provida.

Matapos namang malaman ang kalagayan ng kanilang ina ay agad na nagsidalawan ang kaniyang mga anak, dahil alam nilang ipamamana ng ginang ang lahat ng yaman sa kanila.

Sinubukan nila ang lahat ng paraan upang makabawi kay Provida, na ikinatuwa naman niya nang husto.

At sa huling hininga ng kanilang ina ay walang ibang pakay ang mga anak kung hindi ang pag paparte-parte ng yaman.

Ngunit nagulat ang lahat matapos nilang malaman na wala ni isa sa kanila ang makakakuha ng kaniyang ari-arian.

Bagkus, kay Esmeralda mapupunta ang lahat ng ito, ang tanging naging pamilya at sandigan ng matanda.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!