Ella Cruz, itinuturing na “pinakamagulong parte ng buhay” niya ang high school

Mabuti na lang daw at lumipat na si Ella Cruz ng school sa Quezon City (QC) noong tumuntong na s’ya ng fourth year high school kaya nakaiwas na s’ya sa mga bullies sa iniwan n’yang school sa Bulacan. Good move daw ang ginawa n’yang pag-transfer dahil sa bago n’yang school niya nakilala ang mga schoolmates na naging mga lifelong friends niya. “Sobrang thankful ko na nakalipat ako [ng school] kasi dito sa Bulacan wala akong friends. Pero ’yong mga friends ko sa QC they didn’t care na artista ako. And until now nagtutulungan kami sa mga business. Hanggang ngayon po nagtutulungan kami.”

PHOTOS: Viva

Mabuti na lang daw at lumipat na si Ella Cruz ng school sa Quezon City (QC) noong tumuntong na s’ya ng fourth year high school kaya nakaiwas na s’ya sa mga bullies sa iniwan n’yang school sa Bulacan. Good move daw ang ginawa n’yang pag-transfer dahil sa bago n’yang school niya nakilala ang mga schoolmates na naging mga lifelong friends niya. “Sobrang thankful ko na nakalipat ako [ng school] kasi dito sa Bulacan wala akong friends. Pero ’yong mga friends ko sa QC they didn’t care na artista ako. And until now nagtutulungan kami sa mga business. Hanggang ngayon po nagtutulungan kami.”

Gaya ng marami, naranasan daw ng actress-dancer na si Ella Cruz ang ma-bully noong nasa school s’ya kaya itinuturing n’ya daw ang kabanatang ’yon bilang pinaka-magulong parte ng kanyang buhay.

Inamin n’ya ito sa virtual media conference recently para sa upcoming digital series na The Seniors, kung saan kinumusta ng entertainment press ang buhay n’ya sa school noon, kung may pagkaka-pareho ba daw ang character niya sa series na si Jennifer na may pagka-mean girl, sa naging image niya kumbaga noong nasa high school siya.

K’wento naman ng Viva artist, kabaligtaran daw dahil siya ang nabu-bully noon. Marami raw s’yang hindi magagandang karanasan noong nag-aaral pa s’ya sa kanilang probinsya sa Bulacan mula grade school hanggang third year high school. 

“To be honest ’yong high school talaga ang pinaka-magulong parte ng buhay ko. Kasi doon ko na-experience na ma-bully ako,” pag-amin ni Ella sa press.

Nataon kasing pinagsasabay na niya noon ang pag-aaral at showbiz. At sa hindi niya maunawaang dahilan ay tila napag-iinitan siya ng ilang kaklase at schoolmates niya dahil sa pag-a-artista niya.

Naroong pinagdidiskitahan daw ng kanyang mga kaklase ang kanyang height at tinatawag s’yang laos kapag wala s’yang TV or movie project.

“Siguro kung magtatanong kayo kung ano po ’yong mga na-bully sa akin, isa is maliit ako. Laos na artista na daw ako. Pag wala akong projects sinasabihan ako ng ganu’n,” natatawang sumbong ng aktres. 

Maliban pa doon, pinaratangan daw s’ya na sinusuhulan n’ya ang kanyang mga guro para bigyan s’ya ng pasadong marka. 

Tapos sinasabi nila nakakapasa lang ako ng grade kasi daw binabayaran ko ’yong mga teachers kahit daw lagi akong absent,” lahad pa n’ya.

Isang matindi, naranasan daw n’yang masaktan ng pisikal ng mga nambu-bully sa kanya kahit na wala naman daw s’yang ginagawa.

Nagkaroon pa one time na I’m just walking sa hallway po namin tapos biglang kinorner ako nu’ng mga kaklase ko dito tapos bigla nila akong sinampal out of nowhere, na walang reason talaga. Na-experience ko po ’yon,” pagbabahagi pa ni Ella.

Mabuti na lang daw at lumipat na s’ya ng school sa Quezon City (QC) noong tumuntong na s’ya ng fourth year high school kaya nakaiwas na s’ya sa mga bullies sa iniwan n’yang school.

“And thank God, nu’ng senior year ko na, fourth year high school ko na lumipat ako ng school sa QC. Nag-home study ako kasi ’yon na ’yong time na hindi ko na kanyang mag-aral ng regular, pumasok ng regular,” pahayag n’ya. 

Good move naman daw ang ginawa n’yang pag-transfer dahil sa bago n’yang school nakilala ang mga schoolmates na naging mga lifelong friends niya.

Doon ko na-meet ’yong mga kaibigan ko, na tunay na kaibigan ko…kumbaga ’yong parang friends forever na, friends for life mo na. Sila ’yong talagang maaasahan mo through ups and downs,” ani Ella. 

Sobrang thankful ko na nakalipat ako [ng school] kasi dito sa Bulacan wala akong friends. Pero ’yong mga friends ko sa QC they didn’t care na artista ako. And until now nagtutulungan kami sa mga business. Hanggang ngayon po nagtutulungan kami.

Bagama’t naging “pinakamagulong parte ng buhay” niya ang high school, masasabi naman daw n’ya masaya ang naging senior year n’ya sa nilipatan n’yang paaralan. 

Masaya talaga ang senior year. Kailangan i-cherish ng lahat,” pahayag ng aktres.

“So, sa pagiging mean girl ni Jennifer [character n’ya sa The Seniors]… hindi ako mean girl. Sila ’yong mean girls,” natatawang pagtatapos ni Ella.

Anyway, kasama ni Ella sina Julia Barretto, Awra Briguela, Andrea Babierra, and more sa digital series na The Seniors na mapapanood simula March 20, only on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.