Ganito Pala Disiplinahin Ni Judy Ann Santos Ang Anak Nila Ni Ryan Agoncillo

Isa sa mga hinahangaang showbiz couple sa Philippine entertainment industry ay sina Judy Ann at Ryan Agoncillo. Ito ay dahil sa kanilang par...

Isa sa mga hinahangaang showbiz couple sa Philippine entertainment industry ay sina Judy Ann at Ryan Agoncillo. Ito ay dahil sa kanilang paraan sa pag-aalaga sa kanilang mga anak, pagdidisiplina sa mga ito, at pagtuturo ng magandang asal. Sa kabila ng kanilang parehas na busy schedule, hindi nakakalimutan maglaan ng mag-asawa ng oras para maka-bonding ang kanilang mga anak na sina Luna, Lucho, at Yohan.

Madalas ay ibinabahagi din ng mag-asawa sa kani-kanilang mga social media account ang kanilang buhay sa loob ng kanilang tahanan.

Paggising ng mag-asawa araw araw ay pinupuntahan kaagad nila ang kanilang mga anak at hahalikan ito isa isa. Ang dalawa ay hinahangaan ng marami, lalo na si Judy Ann dahil sa pagiging hands-on mom niya sa kanilang mga anak.

 

 

Kinaaliwan naman ng maraming netizens ang video na ini-upload ni Juday sa kaniyang social media account kung saan makikita ang pagdi-disiplina niya sa kaniyang mga anak lalo na kay Luna.

Sa nasabing video, makikita na umiiyak si Luna dahil hinihiram niya ang libro ng kaniyang kuya na si Lucho pero hindi ito pwede.

Saad ni Juday na maririnig sa video,

"Why are you crying bunny?

"Bubba that book is from the library, you cannot get it from Kuya. Do you understand?"

 

 

Sagot ni Luna,

"Yes, Mommy".

Pag-uusap pa ng dalawa,

Saad muli ni Juday,

"So then let's just look for another book. Do you have to cry?"

Tugon naman ni Luna,

"No, it's just I want also to read that book too."

Ani pa ng aktres,

"Okay, so did you get hurt? Nasaktan kaba? Oh, why are you crying diba usapan natin iiyak ka lang pag nasaktan ka."

Dagdag niya,

"Pag hindi ginagamit ni Kuya you can read it, Kuya needs to use it for school work. You have to be patient, am I right?"

 

Marami naman sa mga netizens ang tnatuwa sa nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I like when Juday said “ you only cry when you get hurt.” Teaching her daughter to be tough. Life is full of hurdles and difficulties. We have to teach our kids to be tough as nails and to be sensible people. Good job sa magulang nang batang ito."

"Yan din training ko sa anak ko. Do not cry unless you are hurt. If you made mistake, do not cry but stand up."

"Buti pa siya umiiyak dahil sa libro yung iba umiiyak dahil sa mga cellphone o tablet."