Mon Confiado, Tanggap Na Ang Pagiging Matandang Binata Matapos Ang 11 Taon Na Pagiging Single

Sa kaniyang pagiging 11 taon na single, inamin ng batikang aktor na si Mon Confiado na tanggap na niya na siya at tatanda na talagang binata...

Sa kaniyang pagiging 11 taon na single, inamin ng batikang aktor na si Mon Confiado na tanggap na niya na siya at tatanda na talagang binata.

Sa kaniyang guesting sa longest-running noontime show ng GMA-7 na “Eat Bulaga”, inamin ng beteranong aktor na hindi na niya iniisip ngayon na pumasok pa sa isang relasyon dahil na din sa kaniyang edad.

Nang tanungin siya ng mga Dabarkads na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo kung bakit hindi na siya nagkaroon pa ng girlfriend matapos ang kaniyang huling relasyon ilang taon na din ang nakakalipas, inamin ni Mon,

 

“Wala na, napaglipasan na, eh.”

Paliwanag pa ni Mon, nagbago na din ang kaniyang pananaw tungkol sa pagpasok sa isang relasyon dahil sa paglipas ng panahon at sa kaniyang edad na din ngayon.

Saad pa niya, siya ay galing na sa isang mahabang relasyon ngunit kalaunan ay natapos din na siyang isang malaking factor kung bakit ayaw na niyang magkaroon ng relasyon.

 

Pagbabahagi niya,

“Isang malaking factor din siguro na galing din ako sa isang mahabang relasyon na 17 years tapos walang nangyari.”

Dagdag niya pa, naging abala din siya sa kaniyang trabaho lalo na at pinapangarap niya na makapasok sa isang international film.

Nang tanungin siya kung bakit hindi na niya hinahanap-hanap ang panahon na mayroong sumasalubong sa kaniya sa tuwing siya ay umuuwi, aniya, 

 

“Nag iba na yung mindset ko, tinanggap ko nang matandang binata na ko.”

Ayon pa sa kaniya, sa tagal ng panahon na siya ay single at mag-isa sa buhay, aiya ay nasanay na din na sarili na lamang niya ang kaniyang inaasikaso.

Gayunpaman, sinabi ni Mon na hindi niya isinasara ang kaniyang pinto na magmahal muli.

 

Sinabi din ng aktor na kung siya ay bibigyan ng Panginoon ng katuwang sa buhay, ito ay tatanggapin niya ng buong puso.

Ani Mon,

“Si Lord lang ang makakaalam kung kailan darating ang tamang makakasama sa buhay. If ever, why not?”