Xian Gaza sa Young Actress na si Jillian Ward matapos itong makabili ng sports car: “Marami akong nalalaman. Ayaw ko na lang mag-talk”

Sa kabila ng recent achievements ni Jillian Ward ay may kung sino ang nasa likod nito? Iyon ay ayon kay Xian Gaza na sinabing marami umano siyang nalalaman tungkol kay Jillian.

Sa murang edad, marami nang napatunayan ang young aktress na si Jillian Ward.

Maliban sa nakakaakit nitong karisma at galing sa pag-arte ay sa edad na 17-years-old marami na syang naipundar sa sarili.

Isa na dito ay ang pagkahumaling niya sa sasakyan. Tatlong buwan ang nakalipas nang makabili siya ng BMW. At alam nating lahat kung gaano kamahal ang sasakyang ito.

At bago lamang, sport scar nanaman ang ibinidang achievement ng young actress. Isipin natin na sa murang edad nakakaya na niyang makabili ng mga mamahaling ari-arian.

Marami ang humanga sa kaniya dahil sa mga nagagawa niya sa kaniyang sarili. Dahil sa uri ng buhay na nakaya niyang ibigay sa sarili at sa kaniyang pamilya.

Ngunit ang self-proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza ay pinasaringan si Jillian. Sambit ni Xian sa kaniyang facebook status, “Marami akong nalalaman. Ayaw ko na lang mag-talk.”

Hindi niya man direktang sinabi na para sa mga magulang ni Jillian. Ngunit marami ang nakahalata sa post niyang, “IMAGINE SARILI NIYONG ANAK NA MENOR DE EDAD INILALAKO NIYO AT PINAGKAKAKITAAN. ANONG KLASENG MAGULANG KAYO?”

Marami siyang parinig umano kay Jillian, may isa pa nga sinabi niyang, “MAY PAMBILI NG SPORTS CAR PRO YUNG MGA BIRTHDAY CAKE AY X-DEAL.”

Sinabi niya pang kilala niya raw umano ang nagbigay nito. At x-deal raw ang porsche kapalit ng 4 days sa Osaka.

Marami ang nagulantang ngunit marami din ang nainis kay Xian dahil pinapakialaman nito ang minor de edad na si Jillian.