Ina ni Christine Dacera, may banat kay Valentine Rosales?: “Papansin ka pa sa sobrang kasinungalingan mo!”

Nag-post ng mensahe ang ina ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera tungkol sa diumano’y ‘papansin’ na binabatikos ngayon ng internet celebrity na si Xian Gaza.

Sa kanyang Facebook post, binatikos ni Sharon Dacera ang kasinungalingan ng nasabing indibidwal na pinapaniwalaan na si Valentine Rosales.

“NAKU PAPANSIN KA PA SA SOBRANG KASINUNGALINGAN MO ,CHRISTIAN GAZA MAY PUNTO KA NGA AGAINST SA TAO NA YAN,” ani Mrs. Dacera.

Matatandaan na isa si Valentine sa mga huling nakasama ni Christine sa isang party bago ito nakitang wala ng buhay sa kanyang hotel room.

Naniniwala ang ina ni Christine na may kinalaman si Valentine at ang iba pang kasama nito sa pagpanaw ng kanyang anak.

Si Valentine din ang nakitang kalambingan ni Christine sa nasabing party.

Itinanggi naman ni Valentine na mayroon silang relasyon ng flight attendant.

Ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang lahat ng kaso na isinampa ng kampo ni Christine laban kay Valentine at iba pang nakasama nito sa party.

 

 

Ngayon naman ay binabatikos si Valentine dahil sa kwento ng kanyang karanasan sa isang conveniece store.

Ayon kasi sa mga netizen ay matagal ng sarado ang nasabing branch na binanggit ni Valentine.

Isa si Xian sa mga binatikos si Valentine at tinawag na nagkukwentong barbero.

“Alamo… maka-Leni sana ako eh. Pero after ko mabasa yung kwentong barbero mo sa 7-Eleven na grade 3 lang ang maniniwala, baka mag BBM na lang pala ako. Nakakahiya eh.” sabi ni Xian kay Valentine.

Wala pang tugon si Valentine sa banat sa kanya ng ina ng kanyang dating kaibigan.