Latest post ni Ruffa Gutierrez tungkol sa maging mabait sa Ex, tila pasaring kay Kris Aquino

Matapos ang pahayag ni Kris Aquino na wag umanong iboto ang kanyang ex, tila may sagot dito si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan nga ay dumalo si Kris sa grand rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac. Habang nasa stage kasama si Angel Locsin ay diretsahang nagpasaring si Kris sa kanyang ex.

Sinabi kasi ng Queen of All Media na nasa UniTeam ang ex niya na tumatakbong senador ngayon. Huwag daw itong iboto dahil hindi marunong tupumad sa mga pinangako.

Agad namang na-gets ng publiko na ang tinutukoy ni Kris ay walang iba kundi si Herbert Bautista.

Matapos naman ang pahayag na ito ni Kris ay tila patama naman sa kanya ang latest post ni Ruffa Gutierrez.

Si Ruffa kasi ang napapabalitang nobya ngayon ni Herbert. At aminado siyang number 1 umano sa puso niya ang actor politician.

Anyway, sa kanya ngang Instagram post ay nagbahagi ng video clip si Ruffa habang nasa beach.

Saad ng aktres sa kanyang caption, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”

Kumbinsido naman ang mga netizens na para talaga kay Kris ang caption ni Ruffa.

Dahil kahit pa nga walang binanggit si Ruffa ng pangalan. Ang post naman niya ay kasunod lamang ng naging pahayag ni Kris laban kay Herbert.