Dᴀhil sa kᴀnyang mababait na employer, nᴀtulungan din nya ang kᴀnyang mga kᴀpatid na makapag tapos ng pag-aᴀral.

Nakakatuwa na marinig ang mga kwento ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nakatagpo ng mababait na employer at hindi mapang-abuso sa kanilang mga kasambay.

Isa na dito ang kwento ni Jovelyn Castillon, 41 anyos at siya ay isang dekada nang naninilbihan sa kanyang amo na Palestinian Romanian sa Qatar.

Ayon pa sa 41-anyos na OFW, tumagal sya ng sampung taon sa kanyang amo dahil sa kabutihan ng mga ito sa kanya.

Napamahal na rind aw sa kanya ang mga anak nito na kanyang inaalagaan na ngayon ay may edad 14 at 12 na taon na.

Para daw sa kanyang mga alaga, siya ang “the best Nanny” sa buong mundo.

Binahagi ni Jovelyn ang kanyang kwento sa Kami at napag alaman na pinag luluto din sya ng mga bata at minsan ay siya naman ang pinag sisilbihan.

“Dito sa bahay, minsan ngluluto sila. Tapos upo lng daw ako at panoorin sila. Then mgserve din sila for me kahit simpling itlog or pancake lang masaya na ako at showy sila. They always say “I love you Jovi, your’e the best nanny in the world.” Tapos pag mgluto ako ng mga pinoy foods they never forget to say thank you.” Kwento ni Jovelyn

At aniya pa, hindi raw siya nakakalimutan ng mga ito na bilhan ng pasalubong kung sila ay mamimili or shopping sa mall.

“At thoughtful sila lagi, like kung nasa mall or shopping sika, they never forget to buy something also for me. Kahit isang tshirt, tsinelas at iba pa. Tapos pag nasa travel sila, lahat sila my pasalubong sa akin,” ayon pa kay Jovelyn

Sa mga sinasabi ng OFW, makikita at mararamdaman naman na talagang pamilya na ang turing ng mga ito sa kanya.

Napag-alaman din na kahit may pandemic ay hindi siya pinabayaan ng mga ito at patuloy siyang pinapa sweldo.

Dahil sa kanyang mababait na employer, natulungan din nya ang kanyang mga kapatid na makapag tapos ng pag-aaral.

Napakapag patayo din umano si Jovelyn ng maliit na negosyo sa tulong nga kanyang sweldo.