Herlene ‘Hipon Girl’ Budol naging emosyonal ng makabili ng kauna-unahan niyang sasakyan

Hindi napigilan ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol ang maluha ng finally ay makabili na siya ng sarili niyang sasakyan.Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Herlene na ang kanyang pagsisipag sa trabaho ay may bunga na. Ito ay nang makabili na siya ng sarili niyang kotse.Sa nasabing video ay nagpunta siya sa branch ng Toyota sa Commonwealth kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.Sa panimula ng kanyang vlog, sinabi pa ni Herlene na sa halos dalawang taon niya sa YouTube ay ngayon lang siya nakasahod ng malaki.Proud na proud naman si Wilbert sa kanyang alaga dahil isa sa naging achievement nila ay ang maayos ang YouTube channel ni Herlene.Sa sumunod na eksena ay kwelang kwela pa si Hipon Girl, nagkunwari siyang bibili ng bawat sasakyan na kanyang nadadaanan.Ngunit sa unang araw ng pagpunta nila sa nasabing branch ay wala pa siyang napiling sasakyan. Kaya naman kinabukasan na lamang daw sila babalik. Sa kanyang pagtulog ay katabi pa nga ni Herlene ang giant susi ng Toyota.At isinabay pa nga niya ito sa pagligo, at nang makabalik na sila sa branch ay naghanap na nga silang muli ng sasakyan na babagay sa kanya.Nang matanggap na ni Herlene ang sasakyan ay bigla na lamang siyang napahagulgol. Dahil aniya, hindi siya makapaniwala na makakabili siya ng kotse.Laking pasasalamat din ni Hipon kay Wilbert dahil sa mga tulong na ibinibigay nito sa kanya. Niyakap niya ang kanyang manger habang siya ay humahagulgol sa iyak.Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video: See more