“Pang-Red Horse Lang” Sign, Sinulat Ng Mga Tambay Sa Envelope Ng Isang Matandang Lalaki Na Hindi Marunong Magbasa At Magsulat

Kinahabagan ng mga netizens ang kwento ng isang lalaki na nanghingi ng tulong sa ilang mga tambay sa lugar na kaniyang madalas na pinupuntah...Kinahabagan ng mga netizens ang kwento ng isang lalaki na nanghingi ng tulong sa ilang mga tambay sa lugar na kaniyang madalas na pinupuntahan para manghingi ng limos na tulungan siyang gumawa ng sign ngunit sa huli ay pinag-tripan lamang siya ng mga ito at gumawa ng placard na may nakasulat na: "Pang-Red Horse Lang..."

Nakakalungkot lamang isipin na hanggang ngayon ay marami pa ding tao sa iba't ibang panig ng mundo na hindi marunong magbasa at magsulat. Kahit man naisin nila ang makapag-aral at makapagtapos ng kursong kanilang pangarap na makamit, marahil sila ay wala ding magawa dahil maaaring sila ay nakatira malayo sa kanilang paaralan o wala silang kakayahan pagdating sa pinansyal para makapag-aral.

Ngunit kahit na sila ay hindi marunong magbasa o magsulat, ang ganitong bagay ay hindi dapat nating ginagawang katatawanan o hindi natin dapat sila niloloko.

Nakakalungkot lamang isipin na may mga taong iniisip na sila ay mas mahusay o marunong kaysa sa iba at ang mga hindi marunong magbasa o magsulat ay isang patas na laro para sa kanila.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang matandang lalaki na nanghingi ng tulong sa ilang tambay para siya na gumawa ng isusulat sa kaniyang envelope.

Ang matandang lalaki ay nanghihingi ng limos at nais sanang ipasulat sa mga tambay sa kaniyang envelope na: "Pang-pagkain lang." Ito ay dapat na isang panghihingi ng tulong sa mga tao para siya ay bigyan ng pera upang siya ay makabili ng kaniyang makakain.

Ngunit ang mga tambay ay tila pinag-tripan lamang siya at sinulat sa envelope nito ang mga katagang: "Pang-Red horse lang..." Ang Red Horse ay isa sa mga sikat na beer brand sa Pilipinas.

Hindi alam ng matandang lalaki kung ano ang nangyayari. Siya din ay nalilito nang sabihan siya ng ilang mga dumadaan na hindi siya nararapat na makatanggap ng pera dahil gagamitin lamang niya ang pera upang makabili ng alak.

Nalaman lamang niya ang ginawa ng mga tambay sa kaniyang envelope matapos siyang lapitan ng isang concerned netizen.

Marami sa mga netizens ang nahabag sa matandang lalaki at nagalit sa ginawa ng mga tambay sa envelope ng matanda. Marami ang umaasa na sana ay makatanggap siya ng tulong na talagang kailangan niya.