Maymay Entrata muling nagbahagi ng larawan kasama ang kanyang foreigner boyfriend

Muling ipinasilip sa publiko ni Maymay Entrata ang sweetness nila ng kanyang foreigner boyfriend na si Aaron Haskell.

Matatandaan na noong Valentines Day unang ipinakilala ni Maymay sa publiko ang kanyang nobyo. Sa kanyang Instagram post noong “Araw ng mga Puso,” binati ni Maymay ng Happy birthday ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Ani Maymay sa kanyang caption kalakip ang larawan na amgkayakap sila ng nobyo, “Happy Birthday my Valentino”

Maraming mga kaibigan si Maymay sa showbiz ang natuwa nang malamang masaya ang kanyang buhay pag-ibig.

Noong March 5 naman, nag-post si Aaron sa kanyang Twitter account ng litrato nila ni Maymay. Magkahawak-kamay sila habang nanonood ng pelikulang The Batman sa isang sinehan.

March 17 naman ng magbahagi ng isang video clip si Maymay sa kanyang IG story. Makikita sa nasabing video na nagmamaneho si Aaron ng sasakyan habang si Maymay ay sakay sa passenger seat.

Base sa navigation map sa kotse, binabaybay nila noon ang Dougall Avenue sa Ontario, Canada. Nakaramdam ng pangungulila si Maymay sa nobyo na malayo sa kanya sa mga oras na iyon.

Nilagyan ito ni Maymay ng caption na “Missyou.”

At ngayong araw, April 2, muling nagbahagi ng video clip si Maymay sa kanyang IG Story. Kung saan makikitang napakasaya ng aktres na muli silang magkasama ni Aaron habang nagro-roadtrip.

Kasalukuyang nakabase sa Canada si Maymay para kumuha ng acting classes.