Melai Cantiveros, bumuhos ang emosyon habang kinukwento ang kalagayan ng kanyang ama ngayon

Hindi na nagawang mapigilan pa ni Melai Cantiveros ang kanyang emosyonsa recent episode ng “Magandang Buhay”.Ganun na lamang ang biglaang iyak ni Melai nang mapagusapan ang tungkol sa kanyang ama na si Dionisio at kasalukuyang pingdaraanan nito.Ayon sa TV host, ang nararanasan ngayon ng kanyang ama ay isa sa kanyang pinakamatinding takot na tila nangyayari na. Dahil dito, inihahanda na niya ang kanyang sarili kung sakaling lalala pa ang mga nangyayari.Sa kabila ng lahat, pinipigilan din niyang umiyak ng sobra dahil magagalit ang kanyang ama kapag nakikita siyang umiiyak.Bagama’t hindi niya tinukoy kung ano ang pinagdadaanan ng kanyang ama, tila nakikipaglaban ito sa isang matinding problema sa kalusugan.Aniya, “Si papa talaga, meron siyang pinagdadaanan ngayon. Mahirap talaga sa isang anak. Ito ‘yung isa talaga sa mga kinakatakutan natin na mangyari sa buhay natin ‘yung mga magulang natin, hindi ba? Pero masakit mang [isipin], ire-ready mo ang sarili mo kasi ipinahiram din sa iyo ni Lord.Pagbabahagi ni Melai, sa kanilang pamilya ay siya ang nagpapakita ng katatagan. Kaya unti-unti niyang tinatanggap ang sitwasyon ng ama. Ayaw na ayaw din daw siyang nakikitang umiiyak nito dahil hindi rin napipigilan ng ama na maistress.Kaya naman ang kimkim niya ang bigat ng kalooban para sa ama at pamilya nito.Narito ang buong pahayag ni Melai.See more