Herbert, Kris napag-usapan ang kasal

Ibinunyag ni senatorial aspirant Herbert Bautista na napag-usapan nila ni Kris Aquino noon ang tungkol sa marriage.

Prangkahan kasing tinanong ng talent manager na si Ogie Diaz si Herbert, nang maging guest niya ito sa kanyang vlog, ang tungkol sa sinasabi ng Queen of All Media sa campaign rally ni VP Leni Robredo na promise na hindi tinupad ng isang UniTeam candidate.

Marami ang nagsasabing si Herbert ang tinutukoy dito ni Kris.

“Ano naman ‘yung ano, ‘yung hindi marunong tumupad sa promise? Ano ‘yung promise?” tanong ni Ogie kay Herbert.

Ani Herbert, “Pinag-usapan namin ‘yung marriage. Pero siyempre, ‘yung marriage is a process. I think she went through the same, pero whirlwind eh. Di ba parang laging whirlwind ‘yung dinadaanan niyang relationship na nagpapakasal siya.”

Sa kabila raw kasi na may mga drama ang buhay niya ay nananatili siyang conservative na tao.

“Ako naman, kahit na drama ‘yung buhay ko, conservative pa rin akong tao eh. Let’s go through the motion, through the process. We talked about it but because of her experience and because of what happened to me, parang that conversation about marriage was serious but not as serious as in really getting married,” dugtong.

Sa ngayon ay wala na raw silang communication ni Kris pero kino-consider pa rin niya itong kaibigan. (IS)