Vilma Sᴀntos, Nᴀg-Reᴀct Na Tungkol Sa Relᴀsyon Nina Cherry Pie Picᴀche At Edu Manzᴀno

Matapang na inamin ng mga personalidad na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon kamakailan lamang.
Kinumpirma ng celebrity couple ang kanilang relasyon matapos kumalat ang kanilang mga larawan sa social media kung saan makikita ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Sa latest YouTube vlog ni Luis Manzano na “Luis Listen To Momski’s Revelations”, tinanong niya ang kaniyang ina na si Vilma Santos kung ano ang kaniyang reaksyon o kung ano ang masasabi niya tungkol sa relasyon nina Edu at Cherry Pie.

Sagot ni Wilma,

“Alam mo ang dami-daming tumatawag sa akin, nagi-interview, hindi ko sinasagot anak, sabi ko ‘Ayokong maki-alam sa isyu na iyan, anak.

“What’s important I guess is pwede ko lang i-share is ‘Im happy’. You know naman si Eduardo, your dad and Pie is a very close friend of mine. At this point in time ng buhay natin, ang pinaka-importante lang is nandiyan ang respeto at pagmamahal. So I wish them all the best.”

Sina Cherry Pie at Edu ay parehong single. Si Cherry Pie ay matagal ng hiwalay sa kaniyang dating partner na si Gary Tria at sila ay biniyayaan ng isang anak na lalaki na si Nio. Si Edu naman ay dating kasal sa aktres na si Vilma Santos.

Samantala, masaya naman sina Edu at Cherry Pie sa suporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang pamilya tungkol sa kanilang relasyon.

Pagbabahagi pa ni Vilma,

“Kinausap ka naming dalawa kahit na four years old ka noon, pinaliwanag namin kung ano yung nangyayari sa relasyon namin at pinaalam namin sa iyo na mahal ka naming dalawa.”

Kahit pa man nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Vilma at Edu, naging maayos naman ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Dagdag ng actress-politician,

“Kami ngayon ng dad mo, napakaganda ng aming pagsasamahan. Maligaya siya sa kanyang buhay ngayon and same here. Basta’s importante, we are one family, anak.”