Marian, Dingdong nagliwaliw sa Palawan

Hiniritan ng mga netizen sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng 3rd baby.

Sa Palawan kasi pinagdiwang ng DongYan ang 3rd birthday ng kanilang bunsong si Ziggy. Kasama rin nila ang panganay na si Zia.

Ipinasilip ng celebrity couple ang kanilang El Nido trip sa kani-kanilang Instagram page.

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn everyday. You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast! Love you anak!” sey ni Marian.

“Take it all in, my son. These will all help you turn your wonderful dreams into reality — dreams that will be more powerful than challenges that would lie ahead. Happy 3rd, Sixto!” bati naman ni Dingdong kay Ziggy. (Issa Santiago)