Pinugutan ng kainuman dahil sa selos

Isang lalaki ang pinugutan ng kanyang kainuman dahil sa selos sa Sition Sangke, Barangay Bacuyangan, Hinoba-an, Negros Occidental kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rene Caño, 34, residente ng Barangay Bacuyangan.

Batay sa ulat, nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Jerry Del Carmen, 26, residente ng kaparehong barangay kasama ang dalawa pang katao noong nakaraang Huwebes Santo nang biglang sabihin ng ka-live in ng suspek na guwapo ang biktima.

Nainis umano si Del Carmen sa sinabi ng kanyang live in partner kaya nang pauwi na si Caño ay tinaga nito ang ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, wala naman umanong relasyon ang ka-live in ng suspek at ang biktima.

Naaresto na ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.