COMELEC, kinondena ang bomb threat na ginawa ng isang Tiktoker sa eleksyon sa Mayo

KINONDENA ng Commission on Elections (COMELEC) ang bomb threat at maling impormasyon na pinost ng isang Tiktok user tungkol sa eleksyon sa Mayo.

Sa isang deleted na Tiktok video, binantaan ng isang indibidwal ang COMELEC patungkol sa pandadaya sa resulta ng eleksyon laban sa isang presidential candidate.

Sinabi ng Tiktok user sa isang video na dapat ayusin ng COMELEC ang darating na eleksyon at siguraduhing walang dayaang mangyayari dahil kung susubukang dayain ang kandidato nitong si Bongbong Marcos ay pasasabugin nila ito at magkakagulo sa bansa.

Sinabi naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na dapat ding kondenahin ng mga kandidato ang mga indibidwal na nagbabanta laban sa COMELEC at gumagawa ng mga pekeng balita patungkol sa paparating na national at local elections sa Mayo.