Amy Perez bumuhos ang luha nag bumukod na ng tirahan ang kanyang panganay na anak

Hindi napigilan ni Amy Perez ang kanyang emosyon nang maging topic ang usaping tungkol sa pagbukod ng anak.

Sa episode ng It’s Showtime,  isang kalahok sa “Tawag Ng Tanghalan”. Ang nagbahagi ng kanyang naging karanasan nang sinubukan nitong tumira ng mag-isa.

Kaya naman natanong ni Vice Ganda si Amy tungkol sa kanyang naramdaman nang kinailangan nang bumukod ng kanyang panganay na anak na si Adi.

Tanong ni Vice: “Ano ang feeling ng nanay o ng magulang, kung isang araw sasabihin ng anak mo na. ‘Nay, bubukod na ako. Hindi ako uuwi dito sa bahay.’ Anong feeling ng nanay?”

Pag-amin ni Amy, hindi niya mapigilang maiyak sa tanong ng komedyante at sinabing: “Tinatanong mo pa lang, naiiyak na ako, nanginginig na ‘yung boses ko.”

Ayon kay Amy, mas naging pribado ang kanyang anak at nagsimulang gumawa ng kanyang sariling desisyon nang unti-unti itong tumanda.

“Ito na ‘yung realization — hindi talaga forever makakasama mo ang mga anak mo.

“At one point, mari-realize mo na parang saranggola sila, na kailangan mo i-let go at makita mo lang na lumilipad sila. Bilang magulang, masaya ka na,” pahayag pa ni Tyang Amy.

Ayon pa sa Kapamilya tv host, talagang napakabigat sa kanyang kalooban ang pagsosolo ng kanyang anak. Ngunit naiintindihan naman daw niya na kailangan itong gawin ng kanyang panganay para sa kanyang kinabukasan.