Isang Bride Na Nagsuot Ng 60 Kilos Na Gintong Alahas Sa Kaniyang Kasal, Usap-usapan Sa Social media

Ang kasal ay isa sa mga memorable at espesyal na araw para sa dalawang taong nagmamahalan. Sa espesyal na araw na ito, nais ng bride na magi...

tent/uploads/2022/04/5-4.jpg" data-caption="" class="td-modal-image"></>

Ang kasal ay isa sa mga memorable at espesyal na araw para sa dalawang taong nagmamahalan. Sa espesyal na araw na ito, nais ng bride na maging maganda at maayos ang maging takbo ng seremonya.

Kaya naman talagang ito ay pinaghahandaan ng ilang buwan, at malaking pera din ang kailangan upang masigurado na lahat ay magiging maayos sa araw ng kasal.

May ibang bride pa nga na hindi alintana ang paggastos ng malaking pera sa pag-iisang dibdib nila ng lalaking makakasama niya habang buhay. Karamihan ay gumagastos ng libo-libong pera para sa kanilang wedding gown at sapatos na susuotin sa kanilang kasal.

 

Ngunit napukaw ng bride na ito mula sa Hubei Province, China ang atensyon ng marami dahil sa sandamakmak na alahas na kaniyang suot sa araw ng kaniyang kasal.

Talagang agaw-pansin ang mga alahas na kaniyang suot dahil ito ay nangingibabaw sa kaniyang puting wedding gown. Kumpleto din siya sa mga gintong hikaw, pulseras, kwintas, at marami pang iba. Tinatayang nasa 60 kilograms umano ang ginto na suot ng bride sa araw ng kaniyang kasal.

Ayon sa mga ulat, regalo daw ng mapapangasawa ng bride ang mga ginintuang alahas na suot nito. Ito ay bahagi din umano ng kaniyang dowry. Kabilang na dito ang dalawang gold bangles at 60 gold necklaces. Sa mga video, makikita na hirap din ang bride sa kaniyang paggalaw dahil sa bigat ng mga ginto na nakasabit sa kaniya.

Ang groom ay nagmula sa isang marangyang pamilya naman nais nila na maging espesyal ang bride sa kanilang kasal. Binigyan din umano nila ng mga alahas maging ang pamilya ng bride bago ang kasal.

May mga bisita din daw na nag-volunteer para tulungan ang bride ngunit ito na daw mismo ang tumanggi.

Ayon naman sa mga nakasaksi sa kasalan, ang ginto daw ay simbolo ng kasaganaan at swerte sa buhay ng bagong mag-asawa. Ito din daw ay simbolo ng karangyaan ng buhay ng pamilya ng groom.