Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na troll sa kanya ni Vice Ganda

Naglabas ng kanyang hinanakit si Juliana Parizcova Segovia sa naging pahayag ni Vice Ganda tungkol sa mga trolls.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Blind item o walang binanggit na pangalan si Vice Ganda nang magsalita ito. Sa live broadcast ng It’s Showtime noong Martes, April 26.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Patungkol sa isang kakilala niya na madalas umanong manghingi ng pera sa pamamagitan ng GCash at naging troll dahil sa kahirapan.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Hindi man pinangalanan ni Vice ang tinutukoy niya sa kanyang pahayag. Isa sa agad nag-react ukol dito ay si Juliana.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Sa isang panayam, ibinahagi ni Juliana ang kanyang saloobin tungkol sa sinabi ni Vice. Pag-amin niya, nabigla siya dahil nanggaling pa umano sa isang tulad ni Vice na nagmula rin umano sa kahirapan ang nasabing pahayag.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

“Kahit sino pwedeng mang-api ng mahirap, pero nagulat lang po ako. Na sa isang nagmula rin sa kahirapan at iniidolo ko pa manggagaling ang mga ganoong salita,” ani Juliana.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Binigyang-diin din ni Juliana na hindi lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa pataIim at nagiging troll.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Kaya naman bwelta pa ni Juliana kay Vice, “Hindi po pagkapit sa pataIim ang magkaroon ng sariling opinyon. Hindi po ako babangon dahil hindi naman po ako pinadapa ng mga sinabi niya,”

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Sa huli, ipinahayag ni Juliana ang kanyang pagkadismaya dahil sa sinabi ni Vice na aniya’y, isang taong iniidolo at tinitingala niya sa industriya.

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

“Nasaktan lang po ako dahil inidolo at tiningala ko siya. Hindi po ako makapaniwala na ganito pala, na ganito lang ang tingin niya sa akin at puwede pala na mangyari ito.”

Juliana Parizcova Segovia nasaktan umano sa mga pasaring at pagtawag na  troll sa kanya ni Vice Ganda - Chika Minute

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na magkaiba ang paniniwala at sinusuportahan ng dalawang komedyante pagdating sa pulitika.