Pia Wurtzbach now engaged to Jeremy Jauncey!

“We found the perfect place to celebrate and tell you guys…” ani ni Pia Wurtzbach sa kanyang instagram post.

Ibinahagi ng beaaty queen na si Pia Wurtzbach sa instagram ang video kung saan mapapanood ang kanilang moment kasama ang kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey. Ibinahagi din ni Pia na siya ay engaged na kay Jeremy.

Makikita sa video ang kanyang diamond ring at bulaklak na ibinagay sa kanya ni Jeremy. Sinurpresa din ni Jeremy si Pia ng dinner date.

Si Pia Alonzo Wurtzbach na ipinanganak noong Setyembre 24, 1989, na dating kilala bilang Pia Romero, ay isang modelo, aktres at beauty queen na Pilipino. kilala sa pagiging Miss Universe 2015.

Tatlong beses siyang sumali sa pageant ng Binibining Pilipinas, at nanalo noong 2015 sa kanyang ikatlong pagtatangka.

Pagkatapos ay kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss Universe 2015 pageant, kung saan napanalunan niya ang titulo, naging unang Pilipina na nanalo sa pageant sa loob ng apat na dekada, at ang unang Pilipina na nanalo sa pageant noong ika-21 siglo.

Siya ang ikatlong Pinay na nanalo ng titulong Miss Universe, kasunod nina Gloria Diaz na nanalo noong 1969 at Margie Moran na nanalo noong 1973, at hinalinhan ni Catriona Gray pagkaraan ng tatlong taon, kung saan nanalo si Grey bilang Miss Universe 2018.