Zeinab Harake, ibinulgar ang kaibigang kunsintidor na hinayaang masira ang pamilya niyang binuo!

Hindi lingid sa kaalaman natin ang laki ng circle of friends ni Zeinab Harake. Ngunit ang nakakagulat lang ay yung akala nating kaibigan niyang tunay, isa pala sa kanila ay impostor.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng Harake Family ang kaarawan ng anak ni Zeinab na si Bia.

Todo ang paghanda ni Zeinab para sa anak dahil sa kaniyang sobrang pagmamahal kay Bia.

Masaya ang naging kaarawan ni Bia maliban nalang sa isang bagay na ibinunyag ni Zeinab sa kaniyang instgram stories. Bulagaran niyang inilabas ang kaniyang sama ng loob.

Burado na sa ngayon ang post niya na ito ngunit marami ang nakascreenshot na netizens. Ayon kay Zeinab, may mga tao raw na naging dahilan sa pagkawasak ng binuo niyang pamilya. Nasambt niya rin na iisa-isahin niya umano ang mga ito.

Isa sa bumati sa kaniyang anak ay ang isang “kaibigan” kasabay nito ay ang pagbahagi niya sa naging pagbati ni Skusta Clee kay Bia.

Hindi natuwa si Zeinab bilang ina bagkus ay inilabas niya ang kaniyang damdamin tungkol rito.

Kagulat-gulat ang naging komento ni Zeinab, ani niya bay hindi umano naging masaya si Bia sa natanggap na pagbati galing sa mga taong hinayaang masira ang pamilya niya.

Makikita ang post tungkol dito sa isang twitter post ng netizens.