11-year-old artist sa Roxas City, ang husay mag-paint!

Eleven years old pa lang si Romel Dojaylo ng Roxas City, Capiz pero professional level na ang husay niya sa pagpipinta.

Amazing!

Ganito ang maibubulalas ng sinumang makakakita ng paintings ni Romel Dojaylo, isang 11-year-old artist mula sa Roxas City, Capiz.

Nagsimulang mag-circulate ang larawan ni Romel at ng kanyang artworks sa social media nang i-post ito ng News Rizal Facebook Page noong May 11, 2022.

Romel Dojaylo's artwork

Ang estilo ng kanyang art ay hyperrealism o realism in art, kung saan ang obra ay makatotohanan.

Ayon kay Romel, sinanay siya ng kanyang pinsan na si John Cyril Dojaylo, na isang professional artist.

Nagsimula siyang mag-paint noong 2021.

Ang kanyang itinuturing na masterpiece sa ngayon ay ang portrait ng kanyang Lola Marita, na iginuhit niya gamit ang oil bilang medium at may sukat na 36 x 48 inches.

Inabot umano siya ng tatlong linggo bago natapos ang portrait.

Kuwento ni Romel, “Gusto ko pong mapasaya si Lola gamit ang aking talento. Sobrang saya niya noong nakita niya yung painting ko sa kanya.”

Screenshot of netizens' reactions

Hangang-hanga naman ang netizens sa husay ni Romel, at pawang papuri ang ibinibigay sa kanya ng mga ito. Tiyak daw na malayo ang mararating ng batang artist.

Makikita ang iba pang gawa ni Romel at ng kanyang mga kapamilya na pawang mga artist din sa Facebook group na Artist's Lounge PH.