Cristy Fermin nagbigay ng reaksyon sa ginagawa umanong “kahihiyan” ni Andrea Brillantes

Naging paksa ng talakayan kamakailan si Andrea Brillantes sa latest episode ng Cristy Ferminute ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa episode ngayon ng nasabing palabas, nag-react si Cristy Fermin sa viral video ni Andrea sa isang tindahan sa Siargao.

“Diyos ko, trending na trending sa TikTok lalo na ngayon, etong si Andrea Brillantes na gumawa na naman ng panibagong kahihiyan sa buhay niya. nag-baby talk. Nagbe-baby talk.”

 

Prangkang sinabi pa nito, na parang iniipon pa ng young celebrity ang mga kahihiyan dulot ng kanyang mga post.

“Parang iniipon na niya yung kahihiyan ano. Mula nung kampanya. Mula nung pagkatapos ng eleksyon, puro kahihiyan ang inaabot. Eto na naman.” 

 

Ayon pa kay Nay Cristy, nakadagdag din sa kahihiyan umano ni Andrea ang minsang sinabi ng nobyo nitong si Ricci Rivero. Na lagi raw lasing si Andrea.

Tapos nagsalita pa itong Ricci Rivero na lagi siyang (Andrea) lasing. At kaya daw laging naka-angkla sa kanya, selosa daw dahil baka may mang-agaw sa kanya doon sa player.”

Galing ito sa recent video ni Andrea at Ricci habang naglalaro ng “Who’s Most Likely To?” habang magkasamang lumalangoy sa isang pool.

Base dito, ibinunyag ni Ricci ang mga lihim ni Andrea gaya ng malakas tumawa, mapang-insulto sa ibang tao, madaling umiyak, laging uminom, kumilos nang ligaw, maging moody at possessive.