Tom Rodriguez pinabulaanan ang komento ng netizens na mahal pa siya ni Carla Abellana

Tila hindi sang-ayon si Tom Rodriguez sa komento na mahal pa siya ng estranged wife na si Carla Abellana.Matapos ang ilang buwang pag-deactivate ng kanyang Instagram account ni-reactivate uli ito ni Tom.Sunod sunod na naman ang kanyang mga cryptic post na mukhang may kinalaman sa hiwalayan issue nila ni Carla.Ikinagulat ng netizens ang kanyang unang Instagram Story dahil larawan ito ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos ng isang kadena.Kasunod naman nito ay isang larawan ng pumut0k na lava ng buIkan ang ibinahagi ng Kapuso actor. Sinamahan niya pa ito ng makahulugang caption.Sa comment section ng naturang post, may netizen na nagtanong kung bakit hindi pa niya ibulgar ang katotohanan.Sagot naman dito ni Tom ay gag order daw ito then ‘ask them why’ pero hindi malinaw kung sino ang kanyang tinutukoy.Isang netizen pa ang nagsabi na sana raw ay ipaglaban ni Tom si Carla. Dahil alam nilang mahal pa siya ng kanyang misis.“Hopefully, you will fight for Angeline. Ipaglaban mo sya paps. dahil mahal ka nun. believe me”Ngunit mas lalong naging palaisipan sa marami ang naging tugon dito ni Tom.“not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day, the whole TRUTH will prevail,” saad ni Tom.Matapos naman niyon ay larawan naman ng isang lalaking may tape ang bibig ang ibinahagi ni Tom sa kanyang IG Stories.Magpasa hanggang ngayon nga ay hindi pa din malinaw sa lahat kung ano ang tunay na dahilan ng pagkakalabuan ng mag-asawa.See more