Bumaliktad! Vivian Velez, suportado ang si President BBM: “You have our support!”

Nagpakita ng suporta si dating director general ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Velez ang mga larawan niya kasama si Marcos.

“Mr. President, we did not campaign for you but as the duly elected president… you have our support. Mabuhay ang Pilipinas!” ani Velez.

Ikinagulat naman ito ng ilang netizens dahil sa kilala si Velez sa pambabatikos kay Marcos nitong kampanya.

Matatandaan na tinawag ng dating aktres si Marcos na tinawag pa niya noong “mayabang” at siningil niya rin ito sa diumano’y 203-B estate tax na utang ng pangulo sa gobyerno.

“Mga [Marcos] Apologists: Ipakita ninyo ang inyong UNITY. Mag ambag kayo para bayaran ang P203.8 Billion na estate tax ni BBM.” sabi ni Velez sa kanyang post apat na buwan na ang nakakaraan.

READ MORE: Vivian Velez may hamon sa mga tagasuporta ni Marcos: “Mag ambag kayo para bayaran ang estate tax ni BBM”

Pinuna din nito ang hindi pagdalo ni Marcos sa mga debate.

“By not attending debates… your silence is heard as a lack of commitment to serve the Filipino people. Gising, Pilipinas!” banat pa ng dating aktres.

READ MORE: Vivian Velez, binatikos ang hindi pagpunta ni BBM sa debate: “Gising, Pilipinas!”

Sinagot naman nito ang mga netizens na inaakusahan siya na bumalimbing kay Marcos.

“Ang daming bitter na hindi maka move on.. Tapos na ang campaign, may nanalo na. Just so you know, I am not utak ‘dilawan’ (bitter to the max) and some ‘loyalistas’ feeling entitled dahil nanalo ang kandidato nila.” paliwanag ni Velez.

Sa ngayon ay nag-resign na si Velez bilang Director General ng Film Academy of the Philippines.