Ruffa Gutierrez, kinasuhan ng dalawa niyang dating kasambahay na kababayan ni Rowena Guanzon

Inanunsyo ni P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon ang pagsasampa ng labor complaint ng dalawang dating kasambahay ni Ruffa Gutierrez laban sa aktres.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Guanzon ang “Notice of Conference” na ipinadala para kay Gutierrez nitong Hulyo 20.

Ibinahagi din ng dating Commission on Election (COMELEC) commissioner na taga Negros Occidental din ang mga nasabing kasambahay.

Matatandaan na ang mambabatas ay mula sa prominenteng pamilya ng mga Guanzon sa nasabing probinsya.

“The 2 former kasambahay of Ruffa G na taga kabankalan negros occidental filed a complaint in the NLRC for backwages and damages.” ani Guanzon.

Ayon sa dokyumento ay bibigyan muna ng pagkakataon si Gutierrez at ang mga complainant na makapag-usap ng personal.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Gutierrez sa nasabing complaint.

Matatandaan na si Guanzon din ang unang nagtanong kay Gutierrez tungkol sa isyu niya sa kanyang mga katulong.

Tinawag naman itong ‘black propaganda’ ng mga abogado ng aktres at sinabi na sinisiraan lamang ng ilan ang imahe ni Gutierrez dahil sa kontrobersyal na role nito bilang dating First Lady Imelda Marcos sa Maid in Malacañang.

READ MORE: Abogado ni Ruffa Guttierez handang magsampa ng kaso: “This is a smear campaign to our client”

“Our Client has always been very generous with, and compassionate to, those who work for and with her, giving them bonuses and tips for extra hours worked. Most of her helpers have been with her family for 13 to 35 long years now and they can vouch that our Client treats helpers with fairess, care, love, and respect that they deserve. She considers helpers as part of her family.” paliwanag ng kampo ni Gutierrez.