Usong uso ngayon ang tinatawag na on line shopping at napakaraming online sellers ang naglipana sa social media maging ang mga maliliit at nagsisismulang mga negosyante pa lamang ay hindi pinapalampas ang magbenta via on line o gamit ang internet.
Dahil na rin sa tawag ng pangangailangan dulot ng pandemya, natutong bumaling ang mga tao sa on line shopping. *
Laking abala kasi ngayon ang lumabas ng bahay dahil na rin sa maraming bagay na dapat isa alang alang gaya ng pagsunod sa health protocols na iniutos ng pamahalaan upang mauwasang magkahawaan sa sakit.
Marami sa ating mga kababayan ang nahuhumaling na ngayon sa on line shopping. Mapa bata man o matanda, marunong ng gumamit ng app sa pag oonlline shop.
Bukod sa mura na ang mga produkto, ide deliver pa ito sa inyong tahanan ng walang kahirap hirap. Sa mga on line sellers nyo din makikita ang mga unique o kakaibang produkto na hindi mo makikita sa mga regular na tindahan o malls na tiyak ay magugustuhan ninyo.
Ngunit sa kabila nito, may mga hindi ring magandang epekto ang pagbili sa on line sellers, nariyan ang hindi tugma ang produkto ihahatid sayo kumpara sa totoong inorder mo, mariyan din ang may damage ang item, at mas masaklap pa ay ang tatakbuhan ka ng seller. *
Gaya na lamang ng naranasan ng isang netizen, ayon kay Gio Lumines na ibinahagi nya sa kanyang Facebook account. Kwento ni Gio, nahuhumaling sa on line shopping ang kanyang mommy, at nakita nga nito ang isang cabinet.
Agad daw itong inorder ng kanyang mommy dahil sa nagandahan ito sa design at sa halagang P700 at talaga namang mura.
Hanggang sa dumating isang araw ang inorder ng mommy ni Gio, ngunit ipinagtataka nito ay kung bakit maliit na box lamang ang dala ng delivery rider at wala naman itong binili sa ganitong kaliit na size.
At ng binuksan na nga ng mommy ni Gio, nagulat ito sa cute na cute na size ng cabinet na ito. Wala ng nagawa ang kanyang mommy kundi tanggapin na lang at hindi na papabiktima pang muli. *