Bangkay ng isang tatay, 4 na araw ng nakatengga sa sementeryo dahil walang pang-cremate



Nagmamakaawa ngayon sa paghingi ng tulong ang isang lalaki at kaniya pang mga kapatid dahil sa apat na araw ng nakatengga ang bangkay ng kanilang ama sa gitna ng isang sementeryo.

Sa video na ipinost ni Pinky Ferreras No, makikita na tanging kandila lamang ang nagbibigay ilaw sa kaniyang mga kapatid na nagbabantay sa bangkay ng kanilang ama.

Ayon sa lalaking humihingi ng tulong sa naturang video, wala silang magawa kung hindi dalhin sa sementeryo ang bangkay ng ama dahil hindi na raw ito pinayagang ihimlay sa punererya lalo pa at kasalukuyang may nakaburol roon.

Namamaho at lumolobo na ang bangkay dahil sa apat na raw na umano itong nasa sementeryo. Nais sanang iuwi ng magkakapatid ang bangkay ng ama sa kanilang lugar sa Bicol at ipa-cremate ngunit wala silang sapat na pera para rito.

Humihingi ng tulong ngayon ang magkakapatid sa publiko nang sa gayon ay maipa-cremate at maipaayos na nila ang himlayan ng kanilang ama.