Tanyag na aktres na si Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59

Pumanaw na ang isa sa mga tanyag na aktres sa bansa na si Cherie Gil sa edad na 59-anyos.

Kinumpirma ng talent manager na si Annabelle Rama ang pagpanaw ng aktres na naging parte ng showbusiness ng mahigit limang dekada.

Pati ang GMA Pinoy TV ay naglabas narin ng pahayag tungkol sa pagpanaw ni Gil.

“It is with a heavy heart that we share the news of the passing of veteran actress Cherie Gil. She was 59 years old. Cherie is best known for her remarkable portrayal of villains in various movies and television programs.” sabi ng GMA.

Hindi pa inilalabas ng pamilya Gil kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng aktres.

Kilala si Gil sa kanyang pagiging kontrabida at hanggang ngayon ay ginagaya parin ng mga tao ang kanyang linya sa pelikulang ‘Bituing Walang Ningning’ kung saan ay sinabihan niya ang bida na si Sharon Cuneta ng “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”.

Huling lumabas sa telebisyon si Gil sa telenovela ng GMA-7 na Legal Wives kung saan ay gumanap

Nitong Pebrero 2022 naman ay naging cover siya ng Mega Magazine kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang desisyon na tumira sa New York.

Makikita rin sa cover ang kanyang pagpapakalbo na simbolo ng kanyang ‘rebirth’.

“I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,” ani Gil.

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life… I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” dagdag niya pa.