Toni Fowler at Tito Vince, opisyal nang magkarelasyon


Ikinatuwa ng mga tagahanga ng vlogger na si Toni Fowler ang masayang balita na ibinahagi nito noong May 15, 2022 sa kanyang Facebook. 

Marami ang nagulat nang kumpirmahin ni Toni na official in a relationship na sila ng matagal na niyang manliligaw na si Tito Vince sa pamamagitan ng pagpapalit nito ng kanyang relationship status sa Facebook. 

Samantalang sa latest vlog naman ni Tito Vince, ibinahagi nito ang kanyang naging preparasyon bago tanungin si Toni at kung paano siya nito sinagot. 

Makikita sa nasabing vlog na walang kaalam-alam si Toni sa mangyayaring surprise dahil ang alam nito ay sasailalim sa Tito Vince sa isnag surgical procedure dahil nagdesisyon itong magpa-liposuction. 

Kasabwat ni Tito Vince sa kanyang surpresa ang Doctor ni Toni na madalas na mag opera dito kapag mayroong ipinapagawang bahagi ng katawan. Bukod doon, kasama rin ang buong miyembro ng Toro Fam na todo ang suporta sa dalawa. 

Habang nasa loob ng operating room si Tito Vince ay tinawagan ng doktor si Toni upang sabihin na hindi na matutuloy ang procedure na gagawin kay Tito Vince dahil nagkaroon ng problema. Dahil dito ay dali-daling pumasok si Toni sa kwarto. 

Sa una ay mababakas ang pag-aalala dito ngunit habang tumatagal ay nagtataka na ito sa mga pangyayari nang isa-isang pumasok ang Toro Fam sa nasabing kwarto na mayroong mga dalang bulaklak at lobo. 

Agad naman na naging emosyonal si Toni nang tumayo si Tito Vince sa harap niya at magsimulang magsalita. 

Panimula nito, "Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito. Gusto ko na maramdaman mo ngyaong araw 'yung pagmamahal ko sayo. Ikaw 'yung dahilan kung bakit gumanda 'yung ilong ko at ikaw rin ang dahilan kung bakit ako magpapa-lipo ngayon.

"At kahit ano pang ipagawa mo sa katawan mo, mamahalin kita at tatanggapin araw-araw."

Pagkatapos nitong magsalita ay lumuhod ito habang hawak ang isang singsing. 

Tanong nito, "Will you be my girlfriend?"

"Opo," umiiyak naman na sagot ni Toni. 

Ayon kay Tito Vince, nagdesisyon siyang gawin ito bago ang kanyang liposuction dahil gusto niyang pagkagising niya pagkatapos ng operasyon ay hindi na sila single ni Toni. 

Sa nasabing video ay natunghayan din ang first kiss ng dalawa bilang official couple. 

Ano ang masasabi mo sa magandang balita na ito? Comment your thoughts!